39-anyos na lalaki, patay sa sunog na sumiklab sa Pasay; barangay hall, daycare, nadamay
Patay ang isang 39-anyos na lalaki matapos sumiklab ang isang sunog sa Barangay 138, Pasay City nitong Linggo ng madaling araw.

ADVERTISEMENTBALITAPROMDIUMG!CHIKA MUNATALAKAYANPINOY ABROADTRENDING Hulyo 26, 2026 11:03am GMT+08:00 SINULAT NI: EJ GOMEZ,GMA News Sunog sa Barangay 138, Pasay City nitong Linggo, Hulyo 26, 2026. Photo courtesy: Lorena Ramos Patay ang isang 39-anyos na lalaki matapos sumiklab ang isang sunog sa Barangay 138, Pasay City nitong Linggo ng madaling araw.
Na-trap ang lalaki sa inuupahan nitong bahay.“May sumisigaw daw pong lalaki na nasa taas. Doon po siya nangungupahan.
Kaso po nu'ng binuksan na nila para tulungan, ang sumalubong sa kanila ay apoy na at makapal na usok. 'Yung katawan ng biktima, nakadapa du'n sa baba. Bumagsak na lang po siguro 'yung katawan niya," ayon kay Olivia Gatchalian Tolentino, barangay captain ng Barangay 138.
Pinagtulungang ilabas ng mga tauhan ng Philippine National Police-Scene of the Crime Operations (PNP-SOCO), Bureau of Fire Protection, at PNP ang bangkay ng biktima matapos tuluyang maapula ang apoy kaninang 4:53 a.m.Pasado alas-tres ng umaga nang ginising ng nagngangalit na apoy ang mga residente ng Barangay 138.
Itinaas sa unang alarma ang sunog na tumupok sa mismong barangay hall at daycare center.Kaniya-kaniyang paglikas ang mga apektadong residente.Ang ilan, inilikas din ang mga alagang aso.
Hindii nakaligtas sa apoy ang bahay ng pamilya ni Lorena Ramos na limang taon na raw nilang tinitirhan.“Marami po kaming aso. Nagtatahol po.
Sinasaway namin, ayaw talaga tumigil. Tapos binuksan ko 'yung pintuan namin. Pumasok na po 'yung usok.
Tapos sabi ko, iiligtas na lang po namin 'yung aso, huwag na magdala. Tapos ginising ko 'yung mga kapitbahay kasi tulog din po sila. 'Yung apoy po, gumaganu'n na po sa pintuan namin sa taas,” kuwento ni Lorena.
Sinubukan pa raw ng mga barangay tanod na apulahin ang apoy gamit ang fire extinguisher pero hindi na kinaya.Damay din sa sunog ang isang motorsiklo.Ayon sa barangay, posibleng mitsa ng apoy ang nagputukang electrical wiring.
“Ang area of origin of fire namin, nasa mismong right side ng barangay hall, first floor. Itong structure, lumang bahay na. Kahoy sa taas, 'yung baba ay concrete kaya nu'ng nasunog siya, mabilis siyang nag-spread dahil light materials kasi," ayon kay Fire Officer 2 Arnold Hidalgo, fire arson investigator ng Bureau of Fire Protection - Pasay.
Pitong bahay ang natupok ng apoy, ayon sa BFP.Hindi bababa sa pitong pamilya o halos tatlumpung indibidwal ang apektado.Aabot naman daw sa P900,000 ang halaga ng pinsala ng sunog.
—KG GMA NewsRELATED STORIES One dead in Pasay City residential fire Bangkay ng babae, natagpuang nakasiksik sa maleta sa isang kanal sa Taguig Ombudsman, nagsampa ng kasong graft laban kay Rep. Jojo Ang Sunog sa Barangay 138, Pasay City nitong Linggo, Hulyo 26, 2026. Photo courtesy: Lorena Ramos One dead in Pasay City residential fire Bangkay ng babae, natagpuang nakasiksik sa maleta sa isang kanal sa Taguig Ombudsman, nagsampa ng kasong graft laban kay Rep.
Jojo Ang
Đọc thêm từ Thế giới

올여름도 ‘이중 솜이불’…폭염중대경보 땐 야외 활동 당장 멈춰야
본문사회환경전국 곳곳 ‘폭염중대경보’… 당분간 극한 폭염·열대야 계속된다최원형기자수정 2026-07-26 16:21펼침0:00Your browser does not support theaudio element.구글 선호 매체 등록서울 전역에 폭염주의보가 발효된 26일 서울 명동 거리의 한 전광판에 폭염 주의 안내문이 나오고 있다.

건보료 상·하한선 모두 올린다…초고소득자·저소득층 조정 대상
본문사회의료·건강건보료 상·하한선 모두 올린다…초고소득자·저소득층 조정 대상허윤희기자수정 2026-07-26 16:24펼침0:00Your browser does not support theaudio element.구글 선호 매체 등록서울 영등포구 국민건강보험공단 영등포남부지사의 모습.
Max King’s AFL return cut short by hamstring tightness after 757-day absence
Tortured St Kilda spearhead Max King’s disastrous injury run has continued, with his first AFL game in 757 days ending prematurely due to hamstring tightness.

Transfer news LIVE: Arsenal’s shock move for Vinicius Jr hits hurdle, Man Utd close in on midfielder
Arsenal want to land a marquee signing this summer and Vinicius, 26, has one year left on his Real Madrid contract